Lamberto V. Avellana
- Pages: 5
- Word count: 1035
- Category: Philippines
A limited time offer! Get a custom sample essay written according to your requirements urgent 3h delivery guaranteed
Order Now1st Filipino National Artist in Theater and Film (1976)
1st Filipino Filmmaker who directed Kandelerong Pilak, the 1st Philippine film ever shown at the Cannes International Film Festival Founder of the first Philippine theater group, the Barangay Theater Guild (1939) 1st Filipino to use the motion picture camera to establish a point-of-view Philippine National Artist in Theater (1976)
Lamberto V. Avellana is a pillar of Philippine Cinema. One of the few living witness to the growth and development of Filipino movies, Avellana began auspiciously as a stage director at the Ateneo de Manila, from where he graduated with a Bachelor of Arts degree in 1938. With his wife, the former Daisy Hontiveros, he founded in 1939 the Barangay Theater Guild, which pioneered in the presentation of legitimate plays.
Avellana movied into film at a time when the studio systems was just emerging. His first film, Sakay (1939) , was a landmark in Filipino filmmaking, because it marked in the words of a film critic T.D. Agcaoili, “The introduction of a truly creative Philippine cnema, employing organically in film some of the elements of modern stagecraft and dramaturgy that had been lacking in Philippine movies”.
Avellana’s direct contribution to Philippine cinema, however, is his use of cinematic techniques, in particular, of the mise-en-scene, which at the time was unheard of among directors who merely used their cameras to tell a story. In short, it was Avellana who first “discovered, exploited and enriched” the idiom of film in the country.
Aside from this, it was Avellana who first rebelled against the prevailing popularity of saccharine romances and superficial melodramas. Through his treatment of stories with serious themes and three-dimensional characters, he successfully mixed the significant issues of his time with the conventions of Filipino movie-making.
Lamberto Avellana y Vera
(Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Lamberto Avellana y Vera)
Direktor sa pelikula at teatro, si Lamberto V. Avellana ay nagpamalas ng galing sa pagsipat sa kamera na nilapatan ng pagdama mula sa dulang pang-entablado. Isinalin niya sa telon ang rikit at lalim ng kaligirang Filipino, at nagkamit ng maraming parangal sa loob at labas ng bansa dahil sa iniluwal na mga obra maestra.
Edukasyon
Isinilang si Lamberto Vera Avellana sa Bontoc, Mountain Province noong 12 Pebrero 1915, at supling nina Dr. Jose Avellana at Rita Vera. Napangasawa niya si Daisy Hontiveros na nagbigay sa kaniya ng tatlong anak na sina Jose Mari, Marivi, at Lamberto Jr. Nakamit ni Avellana ang titulong Batsiler ng Sining, magna cum laude, sa Ateneo de Manila University. Nahirang siyang komentarista sa estasyong KZRH ng radyo. Sumapi siya sa National Information Board, at napiling editor ng Graphic Magazine. Noong 1 Marso 1939, itinatag ng mag-asawang Avellana ang Barangay Theatre Guild (BTG) na binubuo ng 50 katao at kinabibilangan ng mga aktor, arkitekto, eskultor, mananayaw, manunulat, musiko, pintor, at propesor. Nakapagtanghal agad ng tatlong dula ang pangkat, at nang mapanood yaon ni Carlos P. Romulo na pangulo noon ng Filippine Films ay hinikayat nito sa Lamberto na sumubok magdirek ng pelikula.
Mga obra maestra
Nabuo ni Avellana ang kaniyang kauna-unahang pelikulang pinamagatang Sakay, na hinggil sa buhay at pakikibaka ni Macario Sakay at pinagbidahan nina Salvador Zaragoza at Leopoldo Salcedo. Umani iyon ng papuri at paghanga sa hanay ng mga kritiko at peryodista, at itinuring na Pinakamahusay na Pelikula noong 1939. Nagpaturo si Avellana kay William Jansen hinggil sa paghawak ng kamera; at pinahusay pang lalo ang kaniyang sining sa pangangasiwa at pagbuo ng pelikula. Idinirek ni Avellana ang Anak Dalita(1956), na ginawaran ng Pinakamahusay na Pelikula sa Asian Film Festival sa Hong Kong. Nakuha naman niya ang Gawad Pinakamahusay na Direktor para sa pelikulang Badjao (1960); ang Gawad Conde de Foxa sa Bilbao, Espanya para sa El Legado (1960); ang medalyang ginto sa Conde de Foxa para sa La Campana de Baler (1961); at Gawad Pinakamahusay na Dokumentaryo sa Cambodian Film Festival para sa The Survivor (1969). At nakuha niya ang Gawad Pinakamahusay na Direktor mula sa FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) para sa Huk sa Bagong Pamumuhay.
Apat na ulit din siyang tumanggap ng FAMAS International Prestige Award para sa mga pelikulang Anak Dalita, Badjao, El Legado, at La Campana de Baler. Limang gawad pagkilala ang tinanggap din ni Avellana mula sa limang pangulo ng Filipinas, na sina Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos Garcia, Diosdado Macapagal, at Ferdinand Marcos. At nang yumao siya’y pinuri siya ni Pangulong Corazon Aquino dahil sa masining na pagpapalago ng pelikulang Filipino. Matinding dagok sa kasaysayan ng pelikulang Filipino ang pagsapit ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dahil ipinasara ng rehimeng Hapones ang lahat ng estudyong gumagawa ng pelikula sa Filipinas. Ngunit hindi nagbawa si Javellana sa kaniyang propesyon.
Itinatag niya ang Philippine Artists League (PAL) na ang karamihan sa mga kasapi ay nagmula sa BTG. Nagtanghal ang PAL ng mga dulang gaya ng Kapitbahay at Tandang Sora na pawang may kaugnayan sa buhay ng karaniwang tao at nagpapahiwatig ng kabayanihan ng Filipino. Pinakatampok sa karera ni Javellana nang gawin niyang pelikula noong 1965 ang dulang Portrait of the Artist as Filipino ni Nick Joaquin. Nagwagi ang nasabing pelikula sa Manila Film Festival, dahil sa pambihirang pamamaraan ng pagkakagawa. Pinalad iyon na maging kauna-unahang pelikulang naitanghal sa Frankfurt International Film Festival sa Germany. Si Avellana rin ang kauna-unahang Filipinong direktor na nakapagtanghal sa Cannes International Film Festival, para sa pelikulang Kandelerong Pilak (1954). Ang iba pa niyang pelikulang ipinalabas sa larangang internasyonal ay angSergeant Hasan (1967), Destination Vietnam (1969), at The Evil Within.
Pagkilala
Binigyan si Avellana ng Natatanging Gawad Urian mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino; at ng Lifetime Achievement Award, Gawad Postumo mula sa Film Academy of the Philippines (FAP). Noong 27 Marso 1976, pinarangalan si Avellana sa pagiging Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Teatro. Ang mahusay na direktor, aniya, ay dapat maging tunay na alagad ng sining at artesano, na may likás na pagmamahal sa katotohanan at kariktan. Isinaad din niya ang halaga ng tiyaga, kahusayan, at pagpapakumbaba, bukod sa sigasig na mabuhay at mag-aral upang makairal at matuto. Ang gayong mga kataga’y marapat lamang na pakinggan ng bagong henerasyon ng mga direktor at tagapagbuo ng pelikulang Filipino.